Paglayas sa bansa ng illegal POGO workers umpisa ngayon

Inanunsiyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na simula ngayon araw ay may aalis ng mga illegal Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers.

Aniya, ito ang ipinaalam sa kanya ni Immigration Comm. Norman Tansingco at aniya lima o anim ang nag-self deportation at walang gagastusin ang gobyerno.

Sa ngayon, may 400 iba pa ang nasa kustodiya na ng kawanihan.

Nabanggit ni Remulla na bineberipika pa ng China kung talagang mamamayan nila ang mga pinaaalis ng bansa.

Una nang inanunsiyo ng BI ang pagkansela sa visas ng 48,782 banyaga na nagtatrabaho sa POGOs

May 372 banyaga, kasama ang 331 Chinese nationals, ang nakatakdang ipa-deport at sila ang mga nahuli sa mga operasyon ng awtoridad sa Pasig City at Pampanga.

Read more...