Crime trade sa Bilibid nais ipabusisi sa Senado ni Sen. Bong Revilla

By Jan Escosio October 19, 2022 - 06:52 AM

SENATE PRIB PHOTO

Naghain ng resolusyon si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., para maimbestigahan ang sinasabing ‘crime activities’ sa loob ng pambansang piitan sa Muntinlupa City.

Sa kanyang Senate Resolution No. 264 nais ni Revilla na ang Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na pinamumunuan ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang magsagawa ng nais niyang pagdinig.

Inihain ni Revilla ang resolusyon kasunod nang pagbubunyag ni self-confessed killer Joel Escorial na pinatay niya ang broadcaster na si Percy Lapid base sa utos ng isang nasa loob ng National Bilibid Prison.

Aniya kinontrata sila sa halagang P550,000 para patayin si Lapid.

Kasabay nito, hiniling ni Revilla sa pambansang pulisya na ipagpatuloy ang malalimang pag-iimbestiga sa pagpatay sa kilalang radio broadcaster.

“Kalokohan na masyado that government resources are being used to in effect protect these masterminds who are housed in a government facility, di ba?” dagdag nito.

Dapat aniya na magpaliwanag ang Bureau of Corrections (BuCor) sa ibinunyag ni Escorial.

TAGS: Bilibid, crime, preso, Senate, Bilibid, crime, preso, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.