First Lady Liza Marcos nag-inspeksyon sa Press Working Area sa Malacanang

By Chona Yu October 18, 2022 - 04:49 PM

Personal na ininspeksyon ni First Lady Liza Araneta Marcos ang Press Working Area sa New Excutive Building sa Malakanyang kung saan nagtatrabaho ang mga kagawad ng Malacanang Press Corps.

Bukod sa Press Working Area, ininspeksyon din ni First Lady Marcos ang Office of the Press Secretary pati na ang tanggapan ng  Presidential Photographers Association at ang Malacanang Cameraman Association.

Inalam ni Marcos kung ano ang mga kailangan na ayusin sa gusali.

Maging ang mga banyo ay ininspeksyon din ni Marcos.

Inalam din ni Marcos kung mayroong mga anay ang gusali.

Pangako ni Marcos, ipaayos ang buong gusali at pagagandahin bago pa man sumapit ang Disyembre 10.

 

 

TAGS: inspection, Liza Marcos, malacanang press corps, news, Radyo Inquirer, inspection, Liza Marcos, malacanang press corps, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.