BuCor chief Bantag pinagpapaliwanag sa ikinumpisal ng Percy killer
Inanunsiyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hihingiin niya ang paliwanag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag ukol sa pagbubunyag ng sumukong pumatay kay broadcaster Percy Lapid.
Unang ibinunyag ng sumukong si Joel Escorial na ang pagpatay kay Percy Lapid ay utos mula sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
“I will tell him to give me a report on this, if he has any knowledge already. Because what the gunman said and what the DG knows, we do not know if they are the same. We cannot presume that,” ani Remulla.
Diin ng kalihim kailangan na makilala at mapanagot ang taga-Bilibid na tinukoy ni Escorial.
Ayon kay Escorial anim sila na papatay sa broadcaster kabilang ang magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan, kapwa residente ng Las Piñas City.
Iprinisinta ni Interior Sec. Benhur Abalos ang 39-anyos na si Escorial matapos itong sumuko kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.