Belmonte natuwa sa pagkakahalal sa QC na pinakamayamang siyudad
Ikinatuwa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakatanghal sa sa Quezon City bilang pinakamayamang siyudad sa buong bansa.
Ito na ang ikalawang sunod na taon na tinalo ng Quezon City ang Makati City na pinakamayamang siyudad matapos makapagtala ng P451 bilyon na total asset.
“This distinction shows that our good governance efforts, particularly on fiscal reforms, have paid off,” pahayag ni Belmonte.
“We owe this to the hardworking men and women of the city government. Without them, we cannot accomplish this feat,” dagdag ni Belmonte.
Magsisilbi aniyang inspirasyon ang naturang parangal.
“This honor will serve as our source of inspiration and strength to continue working for the betterment of our city and for the welfare of QCitizens,” pahayag ni Belmonte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.