Sa kabila ng mga pag-ulan, mababa pa rin ang antas ng tubig sa Angat Dam kayat nanganganib na kulangin ang suplay ng tubig sa Metro Manila sa susunod na taon.
Sinabi National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr., ngayon 189.4 metro ang antas ng tubig sa Angat at dapat umakyat ito sa 212 metro hanggang sa katapusan ng taon.
Ito aniya ay para matiyak ang suplay ng tubig sa Metro Manila, gayundin para sa irigasyon sa mga taniman sa Bulacan at Pampanga, hanggang sa panahon ng tag-init sa susunod na taon.
“Yung mga ulan na nararanasan natin dulot ng pagbagyo noong nakaraan ay hindi pa halos nakarating sa mga water shed kung naka-locate ang mga dams para naman umangat nang maayos ang lebel ng mga ito,” paliwanag ng opisyal.
Binanggit din ni David Jr., na mababa ba din ang antas ng tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija at San Roque Dam sa Pangasinan.