Kahit magkano ang pondo, barangay at SK elections tuloy next year – Comelec

By Jan Escosio October 18, 2022 - 09:56 AM

(Courtesy: Fritz Sales/Comelec)

Aabot sa P10 bilyon ang kakailanganin na karagdagang pondo para sa pagkasa ng barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre sa susunod na taon.

Ang halaga, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia, ay base sa kanilang pagtataya dahil sa mga maraming kadahilanan, partikular na ang pagdami ng mga rehistradong botante.

Sa pagdinig sa 2023 Comelec budget, nagpahayag na ng pagkontra si Sen. Imee Marcos, ang namumuno sa Senate Committee on Electoral Reforms, sa nais na P10 bilyon para sa naunsyaming eleksyon.

Ngunit, paglilinaw ni Garcia, magkano man ang ibigay sa kanilang pondo ay pagkakasyahin na lang nila.

Aniya may mga paraan naman para mabawasan ang P10 bilyon at nabanggit niya na maari pa itong ibang bumaba hanggang P4 bilyon.

TAGS: barangay, comelec, George Garcia, sk elections, barangay, comelec, George Garcia, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.