‘Sorry, boycott talaga’ – Duterte sa media

By Kathleen Betina Aenlle June 07, 2016 - 04:58 AM

 

DuterteNanindigan si President-elect Rodrigo Duterte na hindi na talaga siya tatanggap ng mga interviews hanggang sa matapos ang kaniyang termino.

Ito ang desisyon ni Duterte bilang pag-iwas sa media dahil aniya, sa tuwing kinakapanayam siya ay lagi na lang siyang may mali.

Sa video na ini-upload ng reporter ng TV5 na si France Noguera, iginiit ni Duterte na boycott na talaga siya sa mga media interviews.

“Sorry ha, talagang ano… boycott talaga,” ani Duterte Puro mga pag-batikos at mga pag-puna lang aniya ang kaniyang napapala sa tuwing siya ay nagpapa-interview, kaya para wala nang mali, wala na lang siyang sasabihin sa media.

Magugunitang noong nakaraang linggo, inanunsyo rin ng kaniyang executive assistant na si Bong Go na hindi na muna magpapa-unlak ng press conferences si Duterte para makaiwas sa pagkakamali.

Sa halip ay sa government network na PTV-4 na lamang aniya siya maglalabas ng kaniyang mga pahayag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.