Palalakasin pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang sektor ng turismo sa bansa.
Pangako ito ni Pangulong Marcos sa harap ng Philippine Tourism Industry Convergence Reception sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ayon sa Pangulo, kailangan ngayon ng sariwa at makabagong ideya para lalong ma-engganyo ang mga lokal at dayuhang turista.
“Allow me to repeat that under this administration, the government will remain committed to ensuring that the inputs you have acquired from your listening tours will be optimized for the benefit of the sector,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“We want one of the key players in our nation’s progress to be buzzing once again with life —stronger than ever—so that they will be able to keep up with these fast-moving times,” dagdag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, nasa tamang landas ang Department of Tourism (DOT) sa pagtataguyod ng turismo sa bansa.
Ikinatuwa ng Pangulo ang ulat ni Tourism Secretary Cristina Frasco na nasa 1.6 milyong turista na ang bumisita sa bansa simula noong Pebrero.
Pero kahit na gumaganda na ang sektor ng turismo, sinabi ng Pangulo na kailangan pa ring ayusin ang mga imprastraktura sa bansa.
Halimbawa na ang mga resort sa mga kilalang lugar.
Kailangan aniyang nakasusunod sa international standards at kailanga na maging accessible sa mga turista.