Food security pinatitiyak ng APMDD kay Pangulong Marcos

By Chona Yu October 17, 2022 - 04:07 PM

(Courtesy: Jimmy Domingo)

Kinalampag ng Asian Peoples’ Movement on Debt and Development (APMDD) ang tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City.

Ito ay para paaksyunan sa DA ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Ginawa ng APMDD ang kilos protesta kasabay ng paggunita sa World Food Day.

Ayon kay Lidy Nacpil, coordinator ng APMDD, umaapela ang kanilang hanay kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatayo ring kalihim ng DA na gawing prayoridad ang karapatan ng publiko na magkaroon ng maayos na pagkain sa gitna ng nararanasang food crisis.

“We call for urgent solutions to the food crisis. The rising prices of basic commodities has forced 2.9 million families to go hungry in the past three months. The climate crisis and the surge in food prices are creating a food crisis among Filipino families. With the forthcoming droughts and floods, we can expect that thousands of families will not have access to affordable food. The government must prioritize peoples’ right to food,” pahayag ni Nacpil.

“We also call on the government to act decisively to build robust and climate-resilient food systems that prioritize Filipinos and not the global market,” dagdag ni Nacpil.

Ayon sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng isang porsyento sa unang kalahating tao ng 2022 ang agricultural at fisheries output ng bansa dahil sa pabago-bagong lagay ng panahon.

Kamakailan lamang, tinamaan ang bansa ng Bagyong Karding kung saan umabot sa P3.1 bilyong halaga nga grikultura ang nasira.

 

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., food security, Lidy Nacpil, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., food security, Lidy Nacpil, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.