Pakulo ng MMDA para sa shake drill, patok sa social media

By Jay Dones June 07, 2016 - 04:48 AM

 

Mula sa FB/MMDA

Umaani ng maraming views, likes at shares sa social media ang bagong pakulo ng Metro Manila Development Authority upang hikayatin ang publiko na lumahok sa magaganap na Metrowid Earthquake Drill sa June 22.

Ito’y dahil idinaan sa sayaw ng ahensya ang kanilang pangungumbinsi sa taumbayan na makiisa sa naturang ‘event’ na magaganap na layong ipaalala sa lahat ng mga dapat gawin sa oras na may maganap na malakas na lindol sa Kalakhang Maynila.

Sa naturang video na makkiita sa Facebook, makikita ang dalawang constable ng MMDA na bababa ng kanilang motorsiklo at haharap sa camera.

Bigla na lamang sasayaw ang mga ito sa awitin ng Peaches and Herbs’ “Shake Your Groove Thing”

Sa kasalukuyan, umaabot na sa mahigit 200,000 likes, at halos 4,000 shares ang naturang video.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.