Comelec chief Garcia nag-sorry kay Sen. Imee Marcos

By Jan Escosio October 17, 2022 - 03:37 PM

Humingi ng paumanhin si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia kay Senator Imee Marcos dahil sa kanilang pagkukulang na ikinasira ng umaga ng huli.

Inamin agad ni Garcia ang kanilang naging pagkukulang ukol sa hindi agad pagkakasumite ng mga hinihinging dokumento ni Marcos at ng iba pang senador.

Nangako naman ang opisyal na ngayon hapon ay maisusumite nila ang lahat ng mga dokumento.

Katuwiran ni Garcia kinapos lamang sila ng panahon kayat nabigo sila na maisumite ang mga kinakailangan na dokumento bago ang pagdinig ng kanilang 2023 budget sa Finance sub-committee na pinamumunuan ni Marcos.

Kabilang sa mga hiningi na dokumento ni Marcos aniya ay ang susuporta sa hinihinging P10 bilyon ng Comelec dahil sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 2023.

Ngunit nabanggit ni Garcia na naibaba na nila sa P4 bilyon ang kinakailangan na budget at aniya gumawa na lamang sila ng mga paraan.

Paglilinaw pa nito, hindi pa rin mahihigitan ang ginasta sa nagdaang national elections sa gagastusin sa barangay at SK elections.

Kaninang umaga, sinuspindi na lamang ni Marcos ang budget hearing ng Comelec nang malaman na wala ang mga hininging dokumento ng ilang senador.

TAGS: barangay, Budget, comelec, elections, sk, barangay, Budget, comelec, elections, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.