Mining companies, suportado ang panawagan ni Duterte

 

Inquirer file photo

Suportado ng mga malalaking kumpanya ng pagmimina ang panawagan ni incoming President Rodrigo Duterte na ipatigil ang sobra-sobrang pagmimina at pagsira ng kalikasan.

Ayon sa Chamber of Mines of the Philippines o COMP, noon pa man ay mariin na ang kanilang pagkontra sa iligal na istilo ng pagmimina sa bansa.

Sa kanilang mensahe, iginiit ng grupo na nagpapatuloy ang kanilang mga programa upang matulungan ang mga katutubong naapektuhan ng pagmimina sa bansa at ang pagtiyak na napapalawig ang pagtulong sa kalikasa,

Nangako rin ang COMP na susuportahan angsusunod na administrasyon upang maisulong ang tunay na ‘inclusive growth sa buong bansa.

Matatandaang noong Sabado, sa kasagsagan ng thanksgiving party, nagbabala si Duterte sa mga mining companies na kanyang ipapasara ang mga ito kung hindi ititigil ang pagsira sa kalikasan.

Sa Davao City, mariing ipinagbabawal ipinagbabawal ang pagmimina.

Read more...