Minabuti ni Senator Imee Marcos na suspindihin na lamang ang pagdinig sa budget ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na taon.
Hindi naitago ni Marcos ang labis na pagkainis nang malaman na hindi dala ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga hinihinging dokumento nilang mga senador.
Ayon kay Marcos, noong nakaraang Sabado ay nakipagkita pa sila sa Comelec at naibilin na niya ang mga dokumento na hinihingi niya, gayundin ng ibang senador.
Pagbabahagi nito, kabilang sa kanilang hinihingi ay may kinalaman sa karagdagang P10 bilyon na hirit ng Comelec dahil sa pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Diin ni Marcos, hindi siya makapaniwala sa laki ng halaga ng nais ng Comelec kayat hinihingi niya ang mga dokumento.
Susubukan ng senadora na mai-schedule muli ang budget hearing ng Comelec sa linggong ito.