Air defense zone ng China, ‘di papansinin ng Taiwan

By Kathleen Betina Aenlle June 07, 2016 - 04:39 AM

 

South-China-Sea-e1396033265567Walang balak ang pamahalaan ng Taiwan na kilalanin ang anumang air defense zone ng China sa South China Sea.

Ayon kay Taiwan defense minister Feng Shih-kuan, gagawin nila ito kahit pa posible nitong mapalala ang tensyon sa rehiyon kung saan ang mga teritoryo ay pinag-aagawan ng maraming bansa.

Nagpahayag na ng pagkabahala ang U.S. officials na baka mag-deklara ng air defense identification zone (ADIZ) ang China sa South China Sea oras na ilabas ng UN arbitral tribunal court ang desisyon nito kaugnay sa kaso ng Pilipinas laban sa China.

Ganito rin kasi ang ginawa ng China sa East China Sea noong 2013 bilang agresibong pag-angkin.

Kapag nagtatag ng ADIZ ang China sa South China Sea, oobligahin nito ang lahat ng mga aircrafts na dadaan sa himpapawid nito na magpakilala sa mga otoridad ng China bago sila makadaan.

Hindi naman kinumpirma o itinanggi ng China ang ganitong plano, at iginiit na ang kanilang susunod na hakbang ay depende sa level of threat sa himpapawid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.