DILG chief nag-sorry sa ‘journalists’ house visit’ ng mga pulis

By Jan Escosio October 17, 2022 - 09:43 AM

Humingi na rin ng paumanhin si Interior Secretary Benhur Abalos sa mga mamamahayag kaugnay sa pagbisita ng mga pulis.

Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na handa ang pambansang-pulisya na protektahan ang mga mamamahayag laban sa anuman uri ng banta.

Una nang humingi ng paumanhin si NCRPO director, Brig, Gen. Jonnel Estomo at agad niyang ipinahinto ang utos niya na pagbisita sa bahay ng mga mamamahayag upang kamustahin ang mga ito.

Ayon kay Abalos maganda ang intensyon ni Estomo, ngunit hindi naging maganda ang epekto.

Dagdag pa nito, naniniwala siya na nais lang talaga na protektahan ng NCRPO ang mga mamamahayag kasunod na rin ng pagpatay kay radio broadcaster Percy Lapid kamakailan.

Pag-amin ni Abalos, hindi niya alam ang naturang hakbangin ng NCRPO.

TAGS: DILG, journalist, NCRPO, DILG, journalist, NCRPO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.