Senate probe sa langis at gas sa WPS inihirit ni Sen. Win Gatchalian
Naghain ng resolusyon si Senator Sherwin Gatchalian upang mabusisi sa Senado ang potensyal na may nakaimbak na langis at naturang gas sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Gatchalian, ito ay upang mabawasan ang pagdedepende ng Pilipinas sa ibang bansa para sa suplay ng langis.
Binanggit nito ang ang ulat ng Department of Energy (DOE) noong nakaraang taon na may halos 6,203 milyong bariles at 12, 518 billion cubic feet ng gas sa West Philippine Sea.
Sinabi pa nito na sa ngayon ay may limang petroleum service contracts sa bahagi ng WPS sa Palawan.
Layon aniya ng nais niyang pagdinig na maisulong ang ‘exploration,’ development and utilization’ ng sinasabing reserba ng langis at gas para sa seguridad pang-enerhiya sa bansa.
“The lack of oil and gas exploration and as a result – the lack of indigenous oil and gas – have contributed to the country’s import dependence with 98% of petroleum products imported as of 2021 and lack of energy self-sufficiency,” diin ni Gatchalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.