Pamilya ng isang nasawi sa Pasay concert, humingi ng tulong sa NBI

By Kathleen Betina Aenlle June 07, 2016 - 04:36 AM

 

Mula sa FB

Nananawagan ng tulong mula sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga magulang ni Bianca Fontejon, ang 18-anyos na isa sa limang nasawi sa concert sa Pasay noong nakaraang buwan.

Nagsumite na ang mag-asawang sina Bibiane at Edisone Fontejon ng complaint affidavit sa NBI, para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang anak.

Si Bianca ang nakitaan ng dalawang klase ng mapanganib na uri ng droga na MDMA methylene homolog at ang synthetic cathinones, sa medico legal report ng NBI.

Ang mga nasabing synthetic substances ang dahilan ng pag-rupture ng kaniyang mga laman-loob, at ayon sa kaniyang mga magulang, nasunog umano ang puso ni Bianca.

Nais malaman ng mag-asawa kung paano napasok sa katawan ng biktima ang mga droga gayong alam nilang hindi gumagamit ng iligal na droga si Bianca.

Ayon kay Edison, labis silang nanlulumo sa nangyari sa kanilang anak na isa pang dean’s lister sa De La Salle University na isa ring atletang nagna-nais rin maging abogado balang araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.