Lalo pang lumakas ang Bagyong Neneng habang tinatahak ang westward direction patungo sa Philippine Sea East of Extreme Northern Luzon.
Base sa 5:00 p.m. advisory ng Pagasa, nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan islands; Apayao, hilagang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Lagayan) at Ilocos Norte.
Nasa Signal Number 1 naman ang hilagang bahagi ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Divilacan, Palanan, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Gamu, Roxas), Kalinga, natitirang bahagi ng Abra, hilagang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Sagada, Besao), at hilagang bahagi ng of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, City of Vigan, Santa, Caoayan, Narvacan, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio, Quirino, Gregorio del Pilar, Galimuyod, City of Candon, Santa Lucia, Salcedo).
Namataan ang sentro ng bagyo sa 225 kilometro ng silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo sa westward sa 30 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 65 kilometro kada oras at pagbugso na 80 kilometro kada oras.
Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of responsibility ang bagyo sa Oktubre 17.