6 patay sa sunog sa QC

By Chona Yu October 15, 2022 - 02:47 PM

Patay ang anim na katao matapos tupukin ng apoy ang tinitirhang bahay sa Villa Corina, Subdivision, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, kabilang sa mga nasawi ay mga batang nag-eedad 2,7 at 12 taong gulang, isang lalaki na 37 taong gulang, isang babae na edad 30 taong gulang at isang 79 taong gulang.

Nagsimula ang sunog bandang 1:54 ng ymaga at itinaas sa ikalawang alarma bandang 2:08 ng umaga.

Naideklarang fire out bandang 3:20 ng umaga.

Tinangka pa ng mga biktima na makalabas ng bahay subalit nakulong na ang mga ito.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP para matukoy ang sanhi ng sunog.

 

TAGS: anim patay, BFP, news, quezon city, Radyo Inquirer, sunog, anim patay, BFP, news, quezon city, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.