Hinihimok ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang lahat ng katolikong mananampalataya na bumalik na sa pisikal na pagsisimba sa loob ng mga simbahan.
Base sa circular na inilabas ng CBCP, unti-unti na kasing bumabaliksa normal na pamumuhay ang mga tao matapos ang matinding pananalasa ng COVID-19.
Ipinadala ng CBCP ang circular na pirmado ni CBCP President Bishop Pablo David sa lahat ng Obispo at diocesan administrator sa buong bansa
“With gratitude to God, the pandemic has weakened, and our official health experts have placed the country into more relaxed health protocols. This has made our people move freely and return to their normal life and business with ease, but still following some basic health protocols,” pahayag ni David.
“These circumstances permit and oblige us to return to the normality of Christian life, which has the Church building as its home of the celebration of the liturgy, especially the Eucharist,” dagdag ng Obispo.
Pinatitiyak naman ni David na dapat pa ring masunod ang mga itinakdang health protocols kontra COVID-19.