Taiwanese na pumatay sa kasintahang transgender sa Pasay, kinasuhan na

By Kathleen Betina Aenlle June 07, 2016 - 04:33 AM

 

crime-scene-e1400865926320Isinailalim na sa inquest proceedings sa Pasay City prosecutor’s office ang Taiwanese na akusado sa pagpatay sa live-in partner niyang transgender noong Sabado.

Kinasuhan na ng mga pulis ng murder si Jayson Santos Lee, na may tunay na pangalang Che-Yu Tsai base sa kaniyang passport.

Ayon sa imbestigador na si SPO4 Allan Valdez, nakita ang bangkay ni Robert William Reilly o mas kilalang Ashley Ann Reilly sa isang itim na maleta sa Coastal Road, Cavitex Expressway sa Bacoor, Cavite noong Sabado ng umaga.

Nakitaan ng saksak sa leeg at mga pasa ang mukha ni Reilly.

Naniniwala ang mga pulis na pinatay ni Lee ang kasintahan sa loob ng kanilang condominium unit sa Pasay City at saka niya isinilid sa maleta ang bangkay nito.

Ito ay base na rin sa CCTV camera footage na nakuha mula sa condominium kung saan nakitang pumasok ang dalawa sa kanilang unit, at makaraan ang ilang oras ay lumabas na si Lee nang may bitbit na maleta.

Umamin naman ang suspek sa ginawa niya kay Reilly, at sinamahan pa ang mga pulis kung saan niya itinapon ang bangkay ng biktima.

Nairita umano siya sa biktima dahil palagi itong humihingi ng pera sa kaniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.