Isasara ang nasabing daan mamayang alas-11 ng gabi, na tatagal ng dalawang linggo.
Para sa mga motoristang pa-southbound ang daan, maari silang dumaan sa Buendia Flyover patungong at-grade and elevated section ng Skyway, at sa EDSA.
Para naman sa mga papuntang Makati Central Business District, maari silang tumawid sa Osmeña Highway mula sa Finlandia Street papuntang Dela Rosa Street.
Magtatalaga naman ng mga karagdagang traffic enforcers sa apektadong lugar para tulungan ang mga motorista.
MOST READ
LATEST STORIES