Bahagyang lumakas ang Bagyong Neneng.
Ayon sa 5:00 p.m. advisory ng Pagasa, nakataas na ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol), at hilagang bahagi ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon).
Namataan ang sentro ng bagyo sa 795 kilometro ng silangan ng Calayan, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo sa west southwestward sa 10 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Oktubre 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.