Suspek sa pagbebenta ng droga, patay sa shootout sa Lipa City

By Kathleen Betina Aenlle June 07, 2016 - 04:27 AM

 

police-line1Patay ang isang hinihinalang nagbebenta ng iligal na droga matapos ang shootout sa mga pulis sa Lipa City, Batangas, Lunes ng umaga.

Ayon kay Lipa City police director Supt. Bernard Danie Dasugo, nakipagpalitan ng putok sa mga pulis ang napatay na suspek na kinilala lamang bilang “Glenn” at ang kasama nitong nakilala naman bilang “Big Ben.”

Naganap ito dakong alas-12:30 ng madaling araw ng Lunes, sa Brgy. Lodlod.

Ani Dasugo, nag-plano ng sting operation ang mga pulis laban sa mga suspek, ngunit tila naka-tunog ang mga ito na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya nagpalit ito ng lugar ng kanilang pagkikitaan.

Nagkaroon pa aniya ng habulan at doon na nagpaputok ang mga suspek sa mga pulis.

Patay agad ang suspek na si Glenn, habang nakatakas naman ang kasama nito sakay ng motorsiklo.

Narekober sa crime scene ang isang .45 cal pistol, isang coin purse na naglalaman ng anim na sachet ng shabu at cell phone.

Tinatayang nagkakahalaga ng P531,000 ang 45 gramo ng shabu na nakumpiska sa suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.