Marcos kay Obiena: Salamat sa karangalan

By Chona Yu October 14, 2022 - 06:47 PM

(Palace photo)

Nag-courtesy call kay Pangulonng Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena sa Palasyo ng Malakanyang.

Nagpapasalamat ang Pangulo kay Obiena dahil sa karangalan na iniuwi para sa bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na ang pinakamalaking kontribusyon ni Obiena bilang isang atleta ay ang magdala ng karangalan sa Pilipinas.

“From your president and I think from the rest of the Philippines ay kami ay nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawa, sa dangal na idinala mo sa iyong bansa, I think that is the greatest tribute that you can give, the greatest service as you are athlete now that you can give to our country is to bring honor to the Philippines,” pahayag ng Pangulo.

Nasa bansa ngayon si Obiena para magpahinga matapos ang tatlong taon na pakikipagtagisan ng galing sa ibat ibang bahagi ng mundo.

“We look forward to the Games in Paris. I hope you do well. If there is anything we can do to help you na maging mas maganda ang inyong resulta at mas maganda ang maging training, lahat ng ano, sabihin ninyo sa akin dahil napakahalaga ng iyong ginagawa,” pahayag ng Pangulo.

“So thank you very much and I congratulate not only you but also those of you who have supported our champion,” dagdag ng Pangulo.

 

TAGS: EJ Obiena, Ferdinand Marcos Jr., news, olympian, pole vault, Radyo Inquirer, EJ Obiena, Ferdinand Marcos Jr., news, olympian, pole vault, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.