Thunderstorm advisory, itinaas sa Cebu, Bohol, S. Leyte

By Kathleen Betina Aenlle June 07, 2016 - 04:01 AM

 

rainNaglabas ng panibagong thunderstorm advisory ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 1:54 ng madaling araw.

Nagbabala ang PAGASA na makakaranas ng thunderstorm sa Cebu partikular na sa Daanbantayan, Madridejos, Santa Fe, Lapu-Lapu City, Pilar. Poro at Tudela.

Gayundin sa Southern Leyte partikular sa Macrohon at Padre Burgos, habang sa Bohol naman ay sa Valencia at Garcia-Hernandez at sa iba pang mga kalapit na lugar.

Asahan ang malakas na pag-ulan sa mga nasabing lugar na maaring tumagal ng dalawang oras.

Inabisuhan rin ng PAGASA ang mga residente na maging maingat sa malakas na ulan, malakas na hangin, kidlat at posibilidad ng flashfloods.

Una nang naglabas ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya mula kagabi hanggang kaninang madaling araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.