Ibat ibang tanggapan ng pamahalaan nakabantay sa Bagyong Neneng

By Chona Yu October 14, 2022 - 02:35 PM

Tiniyak ni Pangulong President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakahanda na ang ibat ibang tanggapan ng gobyerno para sa posibleng pananalasa ng Bagyong Neneng.

Ayon sa Pangulo, mahigpit niyang mino-monitor ang lagay ng panahon.

“We were already in place actually for the previous typhoon. So at least nandiyan na,” pahayag ng Pangulo.

Tinukoy pa ng Pangulo ang nagdaang Bagyong Karding at Maymay kung saan naging handa ang pamahalaan.

“Now, itong parating. Last one was Maymay. Anong pangalan nitong bago? Neneng. So Neneng now, I think unfortunately looks a little stronger than ano. It looks a little stronger than the previous one at doon mas northern ang kanyang track,” pahayag ng Pangulo.

“So nakabantay kami nang mabuti. But once again, I think the key to all of these is to watch it very closely because may bagong feature ang mga bagyo ngayon,” dagdag ng Pangulo.

Sa ngayon, sinabi ng Pangulo naa naka-preposition na ang mga relief goods.

“But in terms of relief goods, in terms of material, in terms of assets, we have put them as close as possible to the – ‘yung doon sa track na forecast ng ating PAGASA, so that makapasok sila kaagad when the time comes,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, tinatayang nasa 10,000 katao ang maapektuhan ng Bagyong Neneng.

 

TAGS: Bagyo, Ferdinand Marcos Jr., Neneng, news, Radyo Inquirer, Bagyo, Ferdinand Marcos Jr., Neneng, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.