Bagong subvariant ng Omicron binabantayan, wala pa sa bansa – DOH

By Jan Escosio October 14, 2022 - 09:25 AM

Richard Reyes/PDI

Sinabi ng Department of Health (DOH) na wala pang kaso ng XBB sa bansa.

Ang XBB ay bagong Omicron subvariant at ito ay kombinasyon ng BJ.1, na mula sa BA,2,10.1 at BM 1.1.1, na mula naman sa BA.2.75 variant.

Tiniyak ng DOH na patuloy ang pagsasagawa ng surveillance para mamonitor ang pagpasok sa bansa ng bagong sub-variant.

Nabanggit din ng DOH na ang bagong sub-variant ay nagpakita ng ‘higher immune evasion ability’ kumpara sa BA.5.

Iniuugnay ito sa pagdami ng COVID 19 cases sa Singapore bagamat ayon sa kanilang Ministry of Health maituturing pa rin na mababa ang kanilang ‘severe cases’ at marami sa mga pasyente ay nakakaranas lamang ng mild symptoms.

TAGS: COVID-19, doh, news, Omicron, Radyo Inquirer, COVID-19, doh, news, Omicron, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.