Davao Region idineklarang ‘insurgency free’ ng RPOC
Inaprubahan ng Davao Regional Peace and Order Council (RPOC) ang resolusyon na nagdedeklara sa Region 11 bilang ‘insurgency free.’
Si Army 10th Infantry Division commander, Maj. Gen. Nolasco Mempin ang nagrekomenda na maaprubahan ang resolusyon matapos iprisinta ang sitwasyong pang-seguridad ng buong rehiyon.
Ayon naman kay Lt. Gen. Greg Almerol, commander ng AFP Eastern Mindanao Command, ito ay bunga ng walang tigil nilang operasyon laban sa mga rebelde at sa suporta ng mga lokal na pamahalaan.
Unang naideklarang ‘insurgency free’ ang Davao del Sur noong nakaraang taon, sinundan ng Davao del Norte, Davao Occidental at Davao City noong Hunyo, bago ang Davao Oriental noong nakaraang buwan.
“We successfully wiped out the presence of the CTG in its affected barangays and crumbled all 16 Guerilla Fronts in the Region under the Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) and Far South Mindanao Region (FSMR) since we implemented Executive Order No. 70 in 2018,” sabi ni Almerol patungkol sa puwersa ng New People’s Army.
Dagdag pa niya, may limang yunit na lamang ng mga rebelde ang natitira, sa Northern Mindanao, Caraga Region at SOCCSKSARGEN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.