Umento sa government construction workers hiningi ni Sen. Alan Cayetano
Pinaalahanan ni Senator Alan Peter Cayetano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang obligasyon na taasan ang suweldo ng mga obrero na nagta-trabaho sa mga proyekto ng gobyerno.
Ginawa ito ni Cayetano sa pagdinig ng DPWH sa susunod na taon sabay diin na dapat ay pinagbubuti din ng kagawaran ang kondisyon ng mga obrero.
“May I request that you look into it, if DPWH can have a monitoring system or mag-submit under oath yung mga contractor nae to yung ginamit naming tao sa project na ito o may checklist na bayad ang kanilang SSS, Philhealth etc,” hirit pa ni Cayetano.
Suhestiyon din niya ang pakikipagkasundo ng DPWH sa Philippine Constructors Asso. (PCA), gayundin sa TESDA sa isang memorandum of agreement (MOA) para mapaghusay pa ang mga obrero.
Nabanggit niya ang naging hakbang ni US President Joe Biden ukol sa pagpapaigting sa kalidad ng federal construction project, kung saan prayoridad ang kapakanan ng mga construction worker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.