Trapik, baha resulta ng biglaang pag-ulan

 

Jay Dones/File photo

Bagama’t hindi naman maitururing na malakas, nagdulot pa rin ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang biglaang pagbuhos ng ulan, Lunes, ng gabi sa malaking bahagi ng Metro Manila at kalapit-probinsta.

Nagsimulang bumuhos ang ulan mag-aalas singko ng hapon, kung kailan palabas na ng opisina ang maraming mga empleyado sa mga opisina.

Dahil dito, nahirapan ang ilang mga pasahero na makahanap ng mga pampublikong sasakyan.

Naging matindi ang trapiko sa maraming mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil rin sa mga naranasang pagbaha.

Pasado alas 8:00 ng gabi, ilang mga lugar sa Makati at Pasay ang iniulat ng MMDA na hindi madaanan dulot ng biglaang thunderstorm.

Partikular na naapektuhan ng baha ang mga luigar ng Pasong Tamo, Gil Puyat-Osmeña Highway, Malibay-Pasay, Tramo-Pasay at ilan pang lugar.

Sa abiso ng PAGASA, nakaranas ng biglaang thunderstorm ang Kalakhang Maynila kagabi.

Read more...