Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Neneng.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 1,030 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 70 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Maaring makaranas ng malakas na pag-ulan ang Hilagang Luzon dahil sa bagyong bagyo simula sa Sabado.
Posible rin na magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 simula bukas ng umaga o hapon sa ilang lugar sa Northern Luzon.
Maari pa itong lumakas habang papalapit sa Batanes o Babuyan Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.