Crame hostage drama Senate probe nais ni Estrada; Senate minority may hirit din

By Jan Escosio October 13, 2022 - 04:53 PM

PNP PHOTO

Nais ni Senator Jinggoy Estrada na maimbestigahan sa Senado ang nangyaring hostage drama sa Camp Crame na muntik ikamatay ni dating Senator Leila de Lima.

Sinabi ni Estrada nais nitong malaman ang mga ipinatutupad na security and safety measures sa loob ng pangunahing kampo ng pambansang pulisya.

Bagamat pinapurihan niya ang naging mabilis na pag-aksyon ng pulisya sa insidente, napuna rin ang kahinaan ng PNP sa pagpapatupad ng kanilang mga mandato.

Inihain ni Estrada ang Senate Resolution No. 256 para makapagsagawa ang kinauukulang komite ng Senado ng pagdinig ukol sa pangyayari.

Samantala, may hiwalay na resolusyon sina Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III at Sen. Risa Hontiveros ukol sa hostage drama.

Sa inihain nilang Senate Resolution 261, hinimok nila ang pamunuan ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ni de Lima habang ito ay  nasa ilalim ng kanilang kustodiya.

Hiniling din nila na iulat sa Senado ang ginagawang pagtitiyak sa seguridad ng dating senadora.

TAGS: Camp Crame, hostage, Security, Senate, Camp Crame, hostage, Security, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.