Mga organizers nagsisihan sa pagkamatay ng 5 katao sa Pasay concert

By Isa Avendaño-Umali June 06, 2016 - 07:42 PM

Close-up Congress
Photo: Isa Avendaño-Umali

Hugas-kamay ang PNP-National Capital Region Police Office, Close-Up management, Activation Advertising, at Event Scape sa nangyaring Close-Up Forever summer concert sa SM MOA grounds na ikinasawi ng limang tao.

Sa isinagawang joint committee meeting ng House Committees on Youth and Sports Development, Metro Manila Development at Dangerous Drugs, nagturuan ang mga resource persons hinggil sa seguridad na dapat na ipinatupad sa loob ng party venue dahilan kaya nakalusot ang droga sa mga biktima.

Giit ni Senior Supt. Manuel Lukban ng PNP-NCRPO, nakipag-coordinate sila sa organizers at binigyan sila ng security plan sa loob ng venue ngunit walang request sa kanila na mag-deploy ng mga otoridad sa mismong event.

Dahil sa walang request ng deployment sa loob ng venue, tanging naibigay lamang ng PNP-NCRPO ay external security laban sa banta ng terorismo, bukas-kotse at iba pang kaguluhan.

Paliwanag naman ng Close-Up, in-charge lamang sila sa conceptualization, over-all coordination at objective setting ng event habang ang Event Scape ay sa staging at concessionaires.

Itinuro ng Close-Up na ang in-charge sa security at medical services ay ang Activation Advertising.

Natukoy din sa pagdinig na bukod sa walang security sa loob ay wala ding kinuhang K-9 units para sana malaman kung may dalang droga ang mga dumalo sa rave party.

Naungkat din ang bouncers na outsourced lamang sa halip na kumuha ng security sa pulisya.

TAGS: close-up, Pasay City, sm moa, close-up, Pasay City, sm moa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.