Barangay, SK elections postponement aprubado ni PBBM Jr.

By Chona Yu October 13, 2022 - 07:14 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalans batas na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sanang gawin sa December 5, 2022.

Base sa Republic Act Number 11935, gagawin na lamang ang eleksyon ng Barangay at SK elections sa huling Lunes ng Oktubre sa susunod na taon at kada tatlong taon.

Nilagdaan ng Pangulo ang bagong batas noong nakaraang Lunes, Oktubre 10.

Dahil dito ang mga Barangay at SK officials ay mananatili sa kanilang pwesto maliban na lamang kung sila ay matatangal o masususpinde sa kaukulang dahilan.

Magiging epektibo ang batas sa sandaling makumpleto na ang paglalathala nito sa Official Gazette at sa dalawang pangunahing pambansang pahayagan.

TAGS: barangay, elections, sk, barangay, elections, sk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.