Bumalik sa pagiging low pressure area (LPA) ang bagyong Maymay nagyon umaga, ayon sa PAGASA, kayat binawi na ang lahat ng idineklarang tropical cyclone wind signals.
Gayunpaman, maari pa rin makaranas ng matinding pag-ulan sa Cagayan, Isabela at Apayao hanggang bukas ng umaga.
Samantala, may pag-ulan din na inaasahan sa Batanas, Quirino, Nueva Vizcaya, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province.
Inaasahan na malulusaw ang LPA sa susunod na 12 oras.
Kasabay naman nito, inaasahan na papasok ang isang panibagong sama ng panahon sa Philippine area of responsibility (PAR).
Ang bagyo na tatawagin na ‘Neneng’ ay huling namataan sa silangan ng Northern Luzon at maaring pumasok sa PAR ngayon umaga o mamayang hapon.
May isa pang LPA na namataan sa kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro bagamat inaasahan na ganap din itong magiging bagyo, tinatahak naman nito ang direksyon na palayo ng bansa.
Kaugnay nito, kumpirmado na dalawang mangingisda sa Cagayan ang nasawi dahil sa bagyong Maymay.
Kinilala ang dalawa na sina Marshall Bautista, ng bayan ng Buguey at Richard Mangorabang, ng bayan ng Sta. Ana.
Pumalaot ang dalawa sa kabila ng babala ng hindi magandang kondisyon ng karagatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.