VP Sara dumalaw sa burol ni Marilao Mayor Silvestre

 

Personal na dumalaw si Vice President Sara Duterte sa burol ni yumaong mayor na si Ricardo “Ricky” Silvestre sa Marilao, Bulacan.

Ginawa ni Duterte ang pagdalaw ngayong araw.

“Ipinaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay sa kanyang naulilang pamilya, mga kaibigan, at mga residente ng Marilao,” pahayag ni Duterte.

Nasawi si Silvestre matapos bumangga ang sinasakyang kotse sa poste ng ilaw sa kahabaan ng Prince Balagtas Avenue, Clark Freeport Zone sa Mabalacat, Pampanga noong Linggo.

Sugatan naman ang driver at ang secretary ni Silvestre.

Dinala pa sa ospital si Silvestre pero binawian din ng buhay.

 

Read more...