Mga mahuhusay na tauhan ng PCOO mananatili sa posisyon

By Alvin Barcelona June 06, 2016 - 05:18 PM

martin andanar1
File photo

Kinumpirma ni incoming Communication Sec. Martin Andanar na magkakaroon ng balasahan sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Andanar, tulad ng inaasahan kapag nagkakaroon ng pagbabago ng administrasyon mayroon dapat pagbabago nang kaunti sa mga ahensya ng pamamahala.

Gayunman, sinabi nito na payag siyang i-retain ang mga kawani ng PCOO na co-terminus sa kasalukuyang administrasyon na maganda ang ipinakitang trabaho habang nasa posisyon.

Una nang tiniyak ni Andanar na ipagpapatuloy nito ang magandang proyekto na pinasimulan ni outgoing PCOO Sec. Sonny Coloma tulad ng media ng bayan.

“Yes, there will be revamp. I mean just like any new administration, nagkakaroon ng mga pagbabago nang kaunti. Those who are good, the co-terminus appointments that have shown good performance, not necessarily they will be fired. The good ones will be retained,” paliwanag ni Andanar.

TAGS: andanar, Coloma, Malakanyang, pcoo, andanar, Coloma, Malakanyang, pcoo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.