Magsasaka Partylist Rep. Robert Nazal nanumpa matapos iproklama ng Comelec

Kinilala na ng pamunuan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Robert Gerard Nazal Jr.,  bilang kinatawan ng MAGSASAKA Partylist. Nanumpa si Nazal kay Judge Jose Paneda, ng QC RTC Branch 220 noong Lunes  matapos maisyuhan ng Certificate of Proclamation ng Comelec bilang kuwalipikadong nominado ng  MAGSASAKA Partylist. Kasunod nito at bumisita si Nazal kina House Speaker Martin Romualdez sa Batasang Pambansa gayundin kina House Majority Leader Manuel Dalipe at Deputy Majority Leader Sandro Marcos. Pinalitan ni Nazal si dating Rep. Argel Joseph Cabatbat. Bago ito, nagkaroon ng panloob na isyu sa partylist sa pagitan nina Cabatbat at National Chairman Soliman Villamin na niresolba na ng Comelec. Nagpalabas ang Comelec ng Certificate of Finality and Entry of Judgement na pumabor sa kampo ni Villamin. Hindi din naglabas ng temporary restraining order (TRO) sa resolusyon ng Comelec en banc kayat idineklara na itong ‘final and executory.’ Base sa record ng Comelec, third nominee si Nazal ng partylist kasunod nina Villamin Jr., at King Cortez, na kapwa nagbitiw at binawi ang pagtanggap sa nominasyon kung kayat naging unang nominado na ang una.

Read more...