Top NPA leader patay sa engkuwentro sa Negros Occidental

By Jan Escosio October 12, 2022 - 08:55 AM

 

Napatay sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Himamaylan City sa Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Romeo Nanta alias Juanito Magbanua, na kinikilalang commanding officer ng Regional Operational Command at tagapagsalita ng Apolinario Gatmaitan Command.

Nabatid na tinutugis ng mga tauhan ng Army 94th Infantry Battalion ang mga rebelde na una na nilang nakasagupa sa Barangay Carabalan nang makasagupa nila sa Sitio Medel ang grupo ni Nanta.

Ngayon buwan, limang engkuwentro na ang naganap sa nabanggit na barangay sa pagitan ng mga sundalo.

Kasunod nito, hinimok naman ni Maj. Gen. Benedict Arevalo, commander ng Army 3rdInfantry Division, ang mga natitira pang rebelde sa Negros na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno.

TAGS: engkwentro, negros, news, NPA, npa leader, patay, Radyo Inquirer, engkwentro, negros, news, NPA, npa leader, patay, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.