Anim na lugar, nasa Signal Number 1 dahil sa Bagyong Maymay

By Chona Yu October 12, 2022 - 08:34 AM

Anim na lugar sa bansa ang nasa Tropical Cyclone Signal Number 1 dahil sa Bagyong Maymay.

Ito ay ang Isabel, Quirino, Nueva Viscaya, Aurora, Nueva Ecija at extreme northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta) kasama na ang Polilio Islands.

Base sa 5:00 a.m. advisory ng Pagsa, mabagal na kumikilos ang bagyo sa southwestward direction sa bahagi ng Philippine Sea.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 305 kilometro silangan ng Baler, Aurora.

Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Ayon sa Pagasa, inaasahang hihina na ang bagyo at magiging low pressure area na lamang habang tinatahak ang landmass.

 

 

TAGS: Aurora, Bagyong Maymay, infanta, isabela, news, nueva ecija, Nueva Vizcaya, Pagasa, quirino, Radyo Inquirer, Aurora, Bagyong Maymay, infanta, isabela, news, nueva ecija, Nueva Vizcaya, Pagasa, quirino, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.