Halos pantay ang pagtingin ng anim sa bawat 10 Filipino sa social media at telebisyon sa pagpapakalat ng fake news ukol sa gobyerno at pulitika.
Ito ang lumabas sa Ulat ng Bayan – Pulse Asia survey na isinagawa mula Setyembre 17 hanggang 21 na may 1,200 respondents.
Kinilala ng mga sumagot ang social media – internet (68%) at TV (67%) sa nangunaguna sa pagpapakalat ng mga maling balita ukol sa gobyerno at pulitika.
Sumunod naman ang radyo (32%) at kakilala (28%).
Mababa ang porsiyento na tumukoy sa lider sa pamayanan (4%), pahayagan o dyaryo (3%) at religious leaders bilang napapagkuhanan ng mga maling balita.
May 21% naman ang nagsabi na kaanak o kapamilya pa nila ang nagpapakalat ng mga fake news.
Lumabas sa survey na 58 porsiyento ang nagsabi na mga social media influencers, bloggers o vloggers ang nangungunang nagpapalaganap ng fake news.