Apila ni Maria Ressa sa CA muling ibinasura

By Jan Escosio October 11, 2022 - 12:42 PM

Pinanindigan ng Court of Appeals (CA) ang unang desisyon na nagbasura sa apila ni Rappler CEO Maria Ressa na baligtarin ang sentensiya sa kanyang isang korte sa Maynila sa kasong cyber libel.

Kasama sa desisyon ang apila ni dating researcher Reynaldo Santos Jr.

“Wherefore, the motion for reconsideration is denied,” ang bahagi ng promulgasyon ng CA 4th Division na may petsang Oktubre 10.

Ang mosyon nina Ressa at Santos sa nabanggit na korte ay kasunod nang pagpapatibay sa desisyon ng Manila RTC Branch 46 na ‘guilty beyond reasonable doubt’ ang dalawa sa kasong cyber libel noong Hunyo 2020.

Noong Hulyo 7 pinagtibay ng CA ang desisyon ng mababang korte kayat naghain ng motion for reconsideration sina Ressa at Santos.

TAGS: CA, cyber libel, manila rtc, rappler, CA, cyber libel, manila rtc, rappler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.