Signal No. 1 sa walong lugar dahil sa TD Maymay

By Jan Escosio October 11, 2022 - 11:39 AM

Limang lalawigan sa bansa ang posibleng makaranas ng malakas na pag-ulan dahil sa Tropical Depression Maymay, ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA.

Huling namataan ang bagyo sa distansiyang 300 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 44 kilometro kada oras at bugso na aabot sa 55 kilometro kada oras.

Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Quirino, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Isabela, Aurora at Quezon (General Nakar, Infanta), at Polillo Islands.

Ayon sa PAGASA ang pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ay maaring magpatuloy hanggang bukas.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio maaring tahakin ng bagyong Maymay ang dinadaanan ng bagyong Karding at maari itong tumama sa kalupaan ng timog Aurora o Hilagang Quezon bukas ng hapon o gabi.

Samantala, isa pang tropical depression ang binabantayan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) at tatawagin itong Neneng.

Huli itong namataan sa distansiyang 1,740 kilometro silangan ng Eastern Visayas taglay ang katulad na lakas at bugso ng hangin.

TAGS: Bagyo, PAR, Tropical Depression, Bagyo, PAR, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.