Hinatulan ng Sandiganbayan si dating Maguindanao Governor Datu Sajid Islam Ampatuan ng 128 taon na pagkakakulong dahil sa katiwalian at paglustay ng pondo ng gobyerno.
Sa desisyon ng Sandiganbayan 1st Division, guilty si Ampatuan matapos malitis sa four counts of graft at four counts of malversation of public funds.
Ayon sa korte nagawa ni Ampatuan ang krimen sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.
Sa record ng korte sa pagitan ng Disyembre 2008 hanggang Setyembre 2009, nameke ng mga dokumento si Ampatuan para palabasin na bumili ang pamahalaang-panglalawigan ng P79 milyon halaga ng ‘relief goods.’
Ngunit nadiskubre na ang mga tindahan na ipinalabas na nag-supply ng mga pagkain ay peke at pinatotohanan ito ng Department of Trade and Industry (DTI), Securities and Exchange Commission at Business Permits and Licensing Section ng bayan ng Isulan.
Si Datu Ali Abbi, ang dating Maguindanao Provincial Budget Officer at miyembro ng Bids and Awards Committee ay napatunayan na guilty rin na guilty sa katiwalian at paglulustay ng pondo ng gobyerno.