Nakapagtala ng Department of Health (DOH) ng 2,048 daily average ng COVID 19 cases noong Oktubre 3 hanggang 9.
Sa kabuuan, 14, 333 kaso ang naitala sa nabanggit na panahon at ayon sa kagawaran, mababa ito ng 10 porsiyento kumpara sa sinundan na linggo.
May 256 namatay naman noong Setyembre 6 hanggang Oktubre 9.
Ngayon buwan, may 14 na ang nasawi sa naturang sakit, 36 noong Setyembre at pito noong Agosto.
Noong nakaraang taon, Agosto hanggang Oktubre, nakapagtala ng 198 na namatay.
May bagong limang critical cases ang naitala at may 699 critical patients sa kabuuan ang nananatili sa mga ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.