Defense, prosecution teams blangko sa ‘home arrest offer’ kay dating Sen. Leila de Lima
Kahapon lamang narinig ng mga abogado ni dating Senator Leila de Lima ang sinasabing alok na ‘home arrest’ sa senadora.
Kanina sa pagdinig sa drug case ni de Lima sa isang korte sa Muntinlupa City, nalaman din ng mga abogado nito sa panig ng prosekusyon na wala din silang alam sa alok ng Department of Justice.
Matapos ang pangho-hostage kay de Lima sa selda nito sa Camp Crame, nabanggit ni Sen. Imee Marcos ang ‘house arrest offer’ sa dating senadora.
Pinayuhan din nito si de Lima na sumailalim sa masusing medical check-up.
Pag-amin ni Atty. Filibon Tacardon, isa sa mga abogado ni de Lima, na ang nabanggit ni Marcos ay naging susi para ikunsidera nila na mailipat ang dating senadora para sa kanyang kaligtasan.
Matapos ang insidente, nagkausap din sina Pangulong Marcos Jr., at de Lima at diumano tumanggi ang huli sa alok ng una na mailipad ng ibang pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.