Ilang lugar sa bansa, positibo sa red tide

Positibo sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide ang mga shellfish na nakokolekta sa karagatan ng Milagros sa Masbate.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibo rin sa red tide ang mga shellfish na nakukuha sa karagatan ng Sapian Bay (Ivisan at Sapian), Roxas City, Panay, President Roxas, at Pilar sa Capiz; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR, hindi ligtas na kainin ang shellfish at Acetes sp. o alamang sa mga nabanggit na lugar.

Ligtas naman na kainin ang isda, posit, hipon, at alimango basta’t siguraduhin na hinugasan at nilutong Mabuti, tinanggal ang hasang, kaliskis.

Ligtas naman na sa red tide ang mga karagatan sa Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan, at Bataan (Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Hermosa, Orani, Abucay, and Samal) sa Manila Bay; mariculture areas sa Infanta.

Ligtas na rin sa red tide ang karagatan ng Bolinao, Anda, Alaminos, Sual, at Wawa, Bani sa Pangasinan; mariculture areas sa Rosario, at Sto. Tomas sa La Union; coastal waters sa Pampanga; Masinloc Bay sa Zambales; Pagbilao Bay, Pagbilao, at coastal waters sa Walay, Padre Burgos sa Quezon; Honda, at Puerto Princesa Bays, Puerto Princesa City, at coastal waters sa Inner Malampaya Sound, Taytay sa Palawan; coastal waters sa Mandaon sa Masbate; Sorsogon Bay, at Juag Lagoon, Matnog sa Sorsogon; coastal waters sa Gigantes Islands, Carles, at Borongon, San Dionisio sa Iloilo; coastal waters sa Altavas, Batan, at New Washington sa Batan Bay, Aklan; coastal waters sa E.B. Magalona, Talisay City, Silay City, Bacolod City, Hinigaran, and Victorias City sa Negros Occidental; Tambobo, at Siit Bays, Siaton, at Bais Bay, Bais City sa Negros Oriental; coastal waters sa Daram, Calbayog, at Zumarraga, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda, at Villareal Bays sa Samar; coastal waters sa Leyte, at Calubian, Ormoc, at Carigara Bays, Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; coastal waters sa Biliran Island; Tantanang  Bay saZamboanga Sibugay; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at (Sapang Dalaga, and Baliangao) sa Misamis Occidental; Panguil Bay, Tangub City, at coastal waters sa Ozamiz City sa Misamis Occidental; coastal waters sa Baroy sa Lanao del Norte; Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin; Pujada Bay, Mati City sa Davao Oriental; Malalag Bay sa Davao Occidental and Davao del Sur; coastal waters sa Nasipit sa Agusan del Norte; Litalit Bay sa Surigao del Norte; at coastal waters sa Hinatuan, Cortez, at Bislig Bay sa Surigao del  Sur.

Read more...