Lucy Torres, pinakabagong miyembro ng Coast Guard

 

(Courtesy: PCG)

Nanumpa na bilang bagong miyembro ng Philippine Coast Guard Auxiliary Executive Squadron ang aktres at Ormoc City Mayor Lucy Tores.

Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio Abu ang donning of rank at oath-taking ceremony ni Auxiliary Commodore Torres-Gomez sa Ormoc City, Leyte kahapon.

Kasama ni Torres-Gomez ang kanyang asawa na si Leyte Fourth District Representative Richard Gomez, at Auxiliary Captain Diether Ocampo na isa ring aktibong miyembro ng PCGA.

Kasabay nito, pinasalamatan ng Ormoc City Government ang PCG sa patuloy na pagsuporta nito sa mga programa at polisiya ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Torres-Gomez, mahalaga ang mga Coast Guard personnel sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa siyudad.

 

 

Read more...